Wednesday, September 19, 2007

The Divine Comedy

Last night (after midnight), I was reading some articles on Wikipedia. I always have this habit of clicking links and more links from one page to another, so I ended up spending 2 hours there. It was this Divine Comedy by Dante Alighieri that drew my attention. If you don't wanna end up like me reading the summarized story for hours, I'll just briefly describe what is it. It's actually a really old piece of literature work in Italian, claimed as one of the greatest works of world literature ever. It's about a man traveling through hell, gaining knowledge of the afterlife and stuffs like like, eventually communicating with god.

trumpo? hindi ah. impyerno yan.

There was this part of the poem that referenced to the seven deadly sins, which was also one I'm deeply interested in. Such things about human nature really interests me, I wonder why. I often let my thoughts wander about, like what's gonna happen when I die. Maybe there's this truth about afterlife that nobody really expected it to be, like no other we have always referenced to. Perhaps we don't even know we died by then, or we could be in another living dimension. If one is gonna say "hey, let me try dying to check out the afterlife", fcuk it, because in our realm, we believe that once you're dead, you're dead. Science proved it, as people cited. But I am still curious cause even though scientific stuffs are generally true to an extent we can't deny, I still can't accept the concept completely.

Labels:

Sunday, September 16, 2007

First impressions.

Last Friday, I was supposed to go home early because I have to finish my Oh-so-many-plates that our Oh-so-inconsiderate professors gave us. But this Org, (UPCLAS) told us to come to the L.A. General Assembly. Oh well. It was a General Assembly, but it was also an applicants orientation...

Hahaha. Ayun, sobrang dami naming ginawa. Merong activity na maglalagay ka ng papel sa likod tapos hahayaan mo ung ibang tao na sulatan yun. Kaya ayun, ang ganda naman ng first impressions nila. >,< Naflatter ako nang onti. Hehehe.

Labels: ,

Wednesday, August 1, 2007

hiatus over - meet my blockmates

Uhm malapit nang mag-isang month ang aking hiatus. Tsktsk. Tinatamad kasi ako talaga magblog eh. Marami rami na ring nangyari sa aking boooohaaaai. Nandyan na yung mga kahihiyan, katamaran, kasiyahan, pagbagsak sa exam!? pagpupuyat, pagkalaro, pagpapawis, paliligo sa ulan, pagsukob sa payong, pagkain nang masarap, panonood ng theatre plays, paggawa ng reflection paper, pagkalimot, pagkawala ng wallet, pagtambay, at kung anu-ano pa.

Anyway, wala nanaman akong mablog kahit may nakuha na akong idea mula sa isang prend. Pero kahit eto na lang. MEET MY BLOCKMATES. (Sorry guys, I just got your PICS in friendsterizing (whatta word!). Hahaha iniistalk ko kayo palagi. lol. Walang aangal! Sikat na kayo hehehe. Note: In order of 'kung sino ang una kong nakilala.'

Justin aka JUGS
hailing from La Salle Greenhills,
student number 2007-51143

Sa maniwala kayo't sa hinde, kahit mukhang kyut na kyut na bata eto eh disisyete na siya (waaa ma matanda pa sakin?!). Certified badminton varsity at Ang party boy ng bayan. Nakatabi ko siya nung FOPC sa UP theatre at akala ko no'ng una eh naligaw na grade 6. *Peace jugs*

Christine aka XTINE
Namamayagpag mula sa St. Paul Pasig, student number 2007-27695
Siya naman ang kauna-unahan kong nakausap nung first day of classes. Sa katunayan, meron siyang kakambal na talagang kamukha niya, at sa UP din nag-aaral. Galing no? Hehehe. Siya rin ang halos palaging nagcocompliment sa mga plates ko, kaya talaga namang napaplatter ako. Hehehe.

Jamille aka JAM
From Grace Christian High School,
student number 2007-07819
Si Jamille ang una kong nilalapitan tuwing hihiram ako ng gamit, kasi kumpleto siya lagi hehehe. Pero hindi lang yun, susyal na tao eto at may taste :) Uhm saka magaling siya sa history, waa akalain mong alam niya ang details ng tungkol kay Napoleon Bonaparte?! Waaaa.

Mavin aka MAVS
Nagmula sa prestihiyosong Ateneo High School, 2007-25240
Mabuting tao, may paninidigan at adik sa math! Napasa na niya ang dalawang long exam pero ako bagsak pa rin ang dalawa. T.T Anyway, iba siya sa mga tipikal na Atenistang nakilala ko. At magaling pa 'to managalog, at MAGJOKE! Hehe. Medyo may pagka-emo minsan dahil sa problema (woops) pero
nadadala naman niya. Haha.

Dheira aka DHEIRA
Itinataas ang bandila ng Calamba Institute,
student number 2007-17642

Para sa akin siya ang dakilang ADIK -- adik sa plates, sunod sa'kin. Hehe madalas kasi siya makauno. Madalas rin siyang unuuwi sa kanyang
boarding haws para matulog at ang isang bagay na maganda sa kanya eh may sarili siyang desisyon, hindi siya nagpapadala sa iba.

***
O yan, sa maniwala kayo't sa hinde eh kami lang talaga ang mga FRESHIES sa aming course, na nagkataong kami pa palagi ang magkakasama (dauuh!!) Hihihi. Kaya sakali kung nakita niyo na ang mga taong ito ay ireport lamang sa 875-6969 at hanapin... *corny na*

Hanggang sa muli!

Labels: , , ,

Wednesday, June 20, 2007

Numbers

Wednesday. No classes. I went to SM with my mom kasi bibilhin yung mga needed supplies para sa course kong L Archi. Oo, archi is one of the expensive courses. Maraming kailangang bilhing bolpen(tech pen), lapis(mechanical pencils), papel(tracing paper), ruler(t-square at triangles), tiga-render(watercolor) etc! So in that case, gumastos ako ng P537 for those things, aw masakit.

Today's dollar ~ peso rate is equivalent to P45.50

Pagkatapos, nagparinig ako sa mama ko na gusto ko bumili ng sapatos kasi wala na akong gagamiting pang PE, kundi yung masisira kong trainers. Haha, kaya ayun bumili ako ng bagong sapatos, how much ba kamo? P279 . Oo na, ang cheap ko. Hindi naman kasi kami mayaman na bibili ng tig-P2790 na sapatos, sus pareho lang naman ang itsura nun. Pero pangarap ko pa rin makabili ng ganung sapatos ha, yung may Pangalan. (eg, Ecko, Converse etc.) pag may pera na akong sarili. Dito sa Pilipinas, kung mahirap ka, sobrang hirap mo, pero kung mayaman ka naman, ubod ng yaman.

90% of the country's wealth
is consumed by 10% of the population

And the other 10% goes to 90% of the
people here in our country.

Labels:

Monday, April 9, 2007

I got an iPod NAN-Original

Kani-kanina lang habang naunuod ako ng Detective Conan, my mom arrived from somewhere (uh, she always go out for business trips, she's an insurance agent y'know) Tinanong ko lang pagdating niya, "Ma, may pasalubong na pagkain?" Sabi niya wala daw pero may surprise daw siya sa'min at medyo naexcite naman ako. At yun, i now have an iPod!

At first, alam ko nang fake/di original yung iPod na yun. Actually, 3 yung binili ng mom ko, for my big bro, for me, and for my lil bro. I never expected na bibili yung mom ko ng ganun para samin, hehe so sinabi niya gift daw yun para sa graduation (masaya ako ^___^) Kinuha ko agad yung kulay white kasi yun ang fav. color ko, At yun, I charged it out of excitement. Sakaa, pansinin niyo ung picture sa tabi, yung akin katulad nung nasa left side at ang original iPod ay yung nasa left. See the difference? Hehehe Okay lang yun, hindi naman kami ganun kayaman to crave for something na hindi naman namin necessity. Nagulat lang ako kasi hindi ko naman talaga inaasahan na magkakaron ako ng iPod (actually mp4 player siya sa loob) ang gusto ko kasi ngayon pag nagkapera ako ay 1. Portable DVD player at 2. Cellphone. Yun lang masaya na ako, sana bago ako pumasok sa college may phone na ako.

Di pa pala ako nakakapag-thank you sa mom ko, hindi kasi ako masyado outspoken na tao in personal. Thank you mama, I love you! ^____^

Labels:

Monday, January 22, 2007

what the hehe heck!

I passed UPCAT.
Harinawa... Nakapasa rin ako sa UP. Apatnapunlimang minuto lang ang nagdaan magpamula nang magtext ang isang alumni namin sa Adviser ko at sinabing nakapasa kami ni Kenneth. Yahoo! 2nd choice ang naipasa ko (Landscape Archi) at Si Kenneth naman ay ComSci. Sana confirmed na yun. Angsaya ko naman, ngayon tuloy nalilito na ako, Lasalle o UP? Hehe.

Speaking of HEHE. Kailan ba nagsimulang mauso ang HEHE na yan? Siguro sa text? At ngayon pwede mo nang mabasa, masulat at marinig. Ah basta kahit saan! At siguro ang rason kung bakit may hehe ay para may masabi lang lalo na kapag wala kang masabi! Na kadalasan ay nangyayari sa text o chat! Diba? Aaminin ko, ganun rin ako kapag walang wenta ang aking kausap. Hehehe. Maraming klase ng "fillers" kumbaga, at HEHE ang pinakasikat.
  • Hehe - sa mga tinatamad
  • Hehehe - para hindi madisappoint ang katext
  • Ahihi - pacute effect
  • Ahehe - dinagdagan lang ng 'A'
  • Haha - sa mga tamad rin, at pede sa pang-aasar
  • Ahahaha - kapag totoong tumatawa ka
  • Hekhek - kadalasan mga babae gumagamit neto?
  • Wakekek - anu ba to...
  • Wakokok - ang weird
Ikaw may alam ka pa ba? O anong kadalsan mong ginagamit. Hehehe...
Updates lang no? Nakakabadtrip di na ako nakapanuod ng last episode ng DNangel sa Hero TV, kasi umalis kami kahapon. Haaay, sana uliten yun. Hehehe... o.O Congrats nga pala kay MrTuesday (na tinext ako nang malaman ang results), Kenneth at sa ibang nakapasa. Icoconfirm ko na rin para sigurado. Hehehe...

[updates] Naconfirm ko na sa upcat.up.edu.ph yung result kahit medyo matagal yung pagload, yes pasado ako. Pero may napansin lang ako, kapag ang inisearch mong name ay hindi nakapasa, ang lumalabas sa URL address ng page ay ganito: "http://upcat.up.edu.ph/cgi-bin/upcat/results.cgi#bagsak." Ouch naman yun dun sa iba.

Labels: , ,

Friday, January 19, 2007

ctrl - shift - delete

Wow... fresh air. Sarap bumalik. 6 days ng pagtulog? Hmmm pwede na. Pwede. At ngayon bumabalik ako sa pagbablog. Napakabusy ng mga susunod na linggo, kaya ayun. Pwede naman siguro ako maglagay ng aking napaka-humble na schedule. I'll post some photos of these activities afterwards. ^^
  • Jan 20 - Deliberation of graduating students
  • Jan 25 to 28 - Rover Moot (Tagaytay City)
  • Jan 29 - Concert ng Tagalog-Translated songs
  • Feb 10 - High School Dance (Island Cove)
  • Feb 13 - Hmmmm...
  • Feb 15 - Ocular visit sa campsite (auxiliaries only)
  • Feb 16 - Camping
May kwento ako. Isang gabi, sa isang liblib na lugar, tumigil ang kotse ng isang lalaki. Wala namang sira ang kotse at marami pa itong gas. Weird. May ermitanyo sa puno ng balete na lumapit sa lalaki. Ibinebenta ng ermitanyo sa lalaki ang isang libro. P1000. Namahalan ang lalaki, pero napilitan siyang bilhin ang libro kasi baka kung anong gawin sa kanya ng ermitanyo. Bilin ng ermitanyo, huwag tingnan ng lalaki ang huling pahina ng libro, kundi magsisisi ito. Tapos, naglaho ang matanda. Umandar ang kotse. Sa bahay, hindi makatulog ang lalaki. Kinuha niya ang libro, tiningnan niya ang huling pahina. Ang nakasulat: "NATIONAL Bookstore P47.75"

To my Blogger friends: Ahihhi. Salamat sa mga dumaan at nakiramay sa pagtulog ko. Hindi niyo po obligasyong magcomment sa tuwing dadaan kayo rito. Ok lang kahit hindi kayo mag-iwan ng bakas. Hanggang sa muli. Eto ako ngayon, nagbabalik.

Labels:

Monday, January 8, 2007

kwento lang muna...

Malamig ngayong araw. Alam niyo ba yun?
Ahaaay at may nagtext naman ngayon ng chain message (3 seconds ago) nakakainis ha. At nagbago na naman kami ng seating arrangement ngayong araw. Sa dulo malapit sa pinto (mahangin dun!) dapat ako eh etong si sorrow nangulit sa adviser namin na dun na lang siya. Ayun napagbigyan, at ako napunta sa gitna (hehehe malapit naman sa electricfan =p). Maraming absent na teachers ngayon (2 sila!) YEHEY!

Dahil sa si kuya adrian ay nainspire ako na bumalik muli sa pagdodrowing, magdodrowing ulit ako, magwawarm-up na naman ang kamay ko hehehe... Naalala ko ang DN angel dahil sa narinig ko na naman ang theme song neto, ang True Light weeee. Okay, kakakain ku lang at eto ang menu namin ngayong hapunan.
  • Sinigang na tulingan
  • Chopseuy (mmm... sarap xD)
At may tagboard na pala, kailangan niyo lang PINDOTIN yung kailangang pindotin para lumabas yung tagboard. Ok? Sorry ha may nalalaman pa akong ganon. Happy tagging! Weeeeee nakakatamad magupdate, saka nga pala, mga ate kuya, salamat sa mga comment! Salamat CJ, tinext mo ako hahaha. Unli ako maya!

*At minsan nawawalan ako ng gana magblog hop kasi aaminin ko wala talaga akong gana, at alam ko naman yung ibang bloggers ay natatamad rin pumunta rito kasi natatamad lang talaga sila. Ganon naman talaga ang BLOGOSPHERE diba? Nabulag tayo sa link-ex na nilalagay naman ang links pero hindi pinupuntahan. Patawad talaga bloggers pero ito talaga ang aking naiisip. Random thoughts kumbaga.

At medyo maglalagay na ako ng interval sa pagbablog. Masyado yatang araw araw ako naguupdate, saka senseless yung ibang entries. kaya paalam muna... Semi-hiatus mode.

Labels:

Sunday, January 7, 2007

the spirit of GM (group message)

Ilang porsyento ba ng kabataan ang merong celpon? Probably mga 90-95% siguro? At anong talamak na gawain sa celpon? TEXT TEXT TEXT! Yun lang, kasi yung ibang mayayaman o mga naka-SUN na simcard eh puro CALL CALL CALL! Hindi mapipigilan. Napakaadvanced na nga talaga ng ating technology. Parang kailan lang eh 3310 ang una kong celpon nung grade 6, o ha lofet no grade 6 may celpon na (pero yung iba grade 2 pa lang meron na o_0).

Hindi pa uso ang GM nun. Saka mga importante lang ang tinetext. Example, "Wer R u?" "Are u k?" "Mzta ka?" "K". Yang mga yan ang kadalasan kong natatanggap at uso na rin pala nun ang quotes at graphic messages na kadalasan eh ginagawang bastos pa yung iba. Picture message rin, diba? Sinong nakakaalam ng picture message na may nakalagay na "2 taong nagses*x" tapos ang caption eh "NOKIA: Connnecting People"? Tsk. Natatawa lang tuloy ako.

Pero ano na nga bang uso ngayon, nang magsimula ang unlimited text? Ang tinatawag na group message o mas kilala bilang GM. Siguro naman alam na natin lahat yun pero no offense lang ha. Hindi ko nirereplyan ang GM (kahit ako minsan nagsesend ng ganun hahaha) kasi parang hindi para sayo yung message na yun. Kahit ang laman pa ng GM ay "Elow muzta?" Ayaw ko talaga. Yun ang pananaw ko at sa tingin ko, ang mga nagsesend ng GM na tulad ko ay para lang may makatext. Diba? (09278634770 number ko wow...)

ADEEEK ako kay Kisses ngayon!!!
Due to public demand, kailangan ko na raw magchatbox (korni ha may paganyanganyan pa) Abangan niyo na lang yung chatbox. Pero nagdadalawang-isip pa ako. Umandar na naman ang pagka-oldie ko. Heto ang aking playlist ngayon:
  1. Last Christmas - Wham (yung original version)
  2. For the First Time - Kenny Loggins
  3. You Can't Hurry Love - Dixie Chicks
  4. Closer You and I - Gino Padilla
  5. Raindrops Keep falling on My Head - BJ Thomas
  6. Something Stupid - Ewan Mcgregor/Nicole Kidman
  7. All I ask Of you - Phantom of the Opera
  8. What the World Needs Now - Dionne Warwick

Labels: ,

Saturday, January 6, 2007

enough with the drama

duwadee didididam didi doo, duwadee didididam didi doo
ashiwash shi was woking down the street, saying
duwadee didididam didi doo, duwadee didididam didi doo

Hi! Eto na naman ako. After 16 hours ng pagninilay-nilay, nakarecover na sa pagkakabagsak. Nga pala, pwede ko ba namang kalimutang pasalamatan ang mga bloggers na dumamay at nagpayo sa akin sa panahon na naguguluhan ako? SALAMAT SA INYONG LAHAT! Pinagtagpi-tagpi ko ang inyong mga payo at nakabuo ng mga bagay na lubos na nakatulong sa akin.
  • hindi lahat ng bagay na gusto natin natutupad
  • lahat ng bagay na nangyayari sa atin ay may kahulugan base sa will ni God
  • hindi Ateneo ang huli ng lahat, may UP at Lasalle, o UST pa naman
  • it's not the school that will make me the person i want to be
  • hindi ako bagay maging atenista, kasi iskolar ako! wohoo!
  • be contented. kasi pag hindi, eventually it will lead to confusion.
  • accept. basta. learn to accept.
Yun! Ayos na ulit ang lahat! Siguro naman makakatulog na ulit ako nang mahimbing ngayon at hindi na bubulabugin ng malakas na alarm ng 4:00 para tumingin ng results sa internet. Hahaha. Well, inuulit kong muli, sa mga nakapasa sa ACET, sa mga mag-eexam pa lang (eow Mae!) Goodluck sa inyo! Don't worry and trust in Him. LUX IN DOMINO!

Labels: ,

Friday, January 5, 2007

Strength and Weaknesses



TOMORROW NA ANG RESULTS NG ACET!!! SURE NA TO! DEAL NA! DEAL!
excited and nervous... wag masyado isipin para bumilis oras!

Eooww mga pipol... (naging teletubbies na ako xD) Good morning pala, 6:01 am ang totoong oras ngayon pero eto ako nagpopost ng blog. Nakakatamad na kasi mag-update mamayang hapon pero itatry ko... See the images above? Yan yung ginawa namin sa english subject kahapon, our first day class of year 2007. Kukuha kami ng specialty paper then, ilalagay yung name, section and date. Sa baba, ilalagay ang 2 columns and name it Strengths-- and Weaknesses (well weakness lang ata nakalagay sakin). Tapos we have to form a circle with our chairs and pass the paper to the right. My classmates have to write on both columns. So, eto pagkabalik ng paper sakin... Whoa! Ang saya naman nun.

I'm surprised with some results. Hahaa pero all-in-all I appreciate them. In weakness, the common thing you'll see there is corny, not funny and wierd! (yeah I am corny and wierd inaamin ko yun hahaha!) Kaya laking pasasalamat ko na hindi nila nilagay na may mga kaibigan akong bulate at centipede sa skul. With Strengths, salamat rin naman at naaappreciate nila ang pagtulong ko, kapit kamay kasi ngayong 4th year dapat makagraduate lahat.

Pansin ko lumalakas na ang hangin ko.
Sorry po mga kaibigan. Lumaki yata ulo ko.

--
7:16 pm. Haaaay. Nakakainip naman, maya-maya magbablog-hop na ako kaya watchyawt mga kaibigan. Hmmmm. Haaaay. Nagresign na nga pala ang mom ko sa trabaho ngayon, kaya sa monday hindi na siya papasok. Hehehe yun lang. Paalam.

Labels:

Thursday, January 4, 2007

Ano ba talaga tinky winky?

KUNG HEI FAT CHOY!
Eat batchoy be tabachoy and say hoy and be baboy
and eat tikoy be named pipoy watch an unggoy with
lots of borloloy ang nagbabasa nito ay abnoy.

Marami talaga akong gustong sabihin ngayon parang sasabog na ang utak ko. Waaa. kaya halo-halo ang post na ito. Excited na rin ako sa Chinese new year kasi namimigay yung tito ko ng mga pulang envelope na may lamang limandaan, sanlibo at minsan barya. Marami rin siyang nipapamigay basta pula, niregaluhan nga niya yung tita ko ng pulang teebak kasi swerte daw ang pulang underwear kapag new year! ~ng chinese ha.

Click image to enlarge. SURVEY! May tanong lang ako ha, bakit kaya may handbag si TinkyWinky? Ano kaya ang tunay niyang kasarian? Bakla ba siya? O ano nga ba? Babae ba siya o lalakwe? Kasi kung nasusubaybayan niyo ang Teletubbies series, si Tinkywinky ay may dalang handbag. Sabihin niyo sa akin nang hindi ako naguguluhan!!! Sasabog na ulit ang utak ko! At bakit siya rin ang may pinakamaliit na boses sa lahat!!?

Nakakaantig naman talaga ng puso ang makakita ng 14 comments sa last entry ko. Salamat sa inyong lahat ha? Siguro kasi nakakatamad ding magcomment kasi walang chatbox pero nagtitiyaga kayong pumindot sa comments section. Napakalaking bagay po no'n. Huwag kayo mag-alala, pipilitin kong ibalik ang pabor na iyon, kaya lang sa ngayon ay busy pa po ako sa pagbubuod ng El Fili (isiningit ko lang ang pagbabblog), kaya sa Sabado, promise! O kaya bukas, magbabloghop ako para makapunta sa inyo.*wink*

Labels: ,

Wednesday, January 3, 2007

opss. may pasok na bukas...

  • Case No. : 09333
  • Examinee Name: Datinguinoo, Byron Jeff Ylagan
  • School : Casa Real Montessori Inc, Cavite
  • Degree : ACM (applied corporate management yan)
  • Status: Accepted (1st Choice)
Magiging conyotic na yata ako. Pasado aku sa Lasalle-Taft weeee! Bigla kasing nag-show-up yung permit ko. God knows. Hahaa. Salamat naman at nakapasa rin ako tulad ni MrTuesday, kasi sa kanya ko rin nalaman na release na pala ang results. Jeeeez. This is a big anniversary gift ng mom and dad ko ngayon. Mabuti talaga ang Diyos.

Aking mga kababayan, salamat sa pagcomment sa aking scholarship essay sa last post ko. Hindi ko akalaing gagawan niyo talaga ng paraan ang pagpapaganda neto tulad na lang ni kuya Christian, Ek-Ek at MrTuesday. Maraming maraming salamat talaga ngayon may confidence na ako na makakapasa ako dyan wahahahah! Excited na ako pumasok bukas! (Ngayon dapat ang pasok namin kaso nanalo kami sa isang activity nong Dec kaya may 1 free day kami ayon sa SCO! Wohoo!). Pero ang importante talaga eh ang makapasa ako sa (drumroll...) ATENEO DE MANILA UNIVERSITY! Tentenenen!!!

Okay, kilala niyo ba si Rex Hermogino? Yung nabalita sa TV kasi nanalo siya sa Yahoo Talent Show? Galing niya super! Puntahan niyo yung site niya at i-download yung compo/song niya entitled "Love On The Internet" [link].

Sikat pala ang princess hours?
He he he... Sa totoo lang nanonood ako non eh, kasi bukas yung tv pag matutulog na ako nanonood mga ate ko. Kaya ayun napapatingin ako. Maganda naman siya ayos lang. May natanggap akong text message galing sa isang freshman. Here goes:

FAMOUS BREAK-UP LINES:
1. "I just realized I don't want to be attached."
Reply: DUH?! Staple remover gusto mo?
2. "I'm confused and I need some time to find myself"
Reply: Eto ang mapa go find yourself!
3. "We are too different from each other."
Reply: Oo. kasi tao ako, hayop ka!
4. "Narealize ko love ko pa pala ex ko."
Reply: Cnong ex? May pumatol pa pala sayo?!
5. "You are too immature for me."
Reply: Oo na, mga gurang nga gusto mo eh.
6. "I need space."
Reply: Ano ka astronaut?!
7. "Kung talagang tayo kahit saang sulok ng mundo magtatagpo tayo"
Reply: Hindi na tayo magtatagpo, nasa space ka na eh.

Japboy at Flyff: Hayun, natsempohan ko rin ang screenshot habang naglalaro ng Flyff. Napaka-gay ng suot niya, tingnan niyo, click nio lang yung thumbnail. It's called Sorain Set. Pero malakas naman ha, rare yan. Onli 22 levels to go, 2nd job na ako at magiging Psykeeper. Hmmm. well, noob pa lang po ako dyan kaya pasensya na, talagang walang panahon kasi di na ako masyadong magiging adik sa computer games sa year na eto.

Labels: , ,

Monday, January 1, 2007

Kung hindi naman mangitim ang ilong mo

Happy New Year! Okey paulit-ulit na yung greeting. Dito sa bahay namin walang masyadong paputokz kasi nag-iingat kami. Ang mama ko bumili ng isang fountain at mga 10 box ng maliliit na luses. Yun lang (corny no?). Pero mas ok na rin lang yon kesa marami ka ngang paputok eh nawalan ka naman ng daliri. O ha. Idadaan na lang namin sa pagkain at ang walang sawang tradisyon ng aming pamilya. Heto ang ilan sa mga highlights namin kagabi/kanina.
  • Naghanda ang mama ko ng 1 bilao ng puro BILOG na prutas
  • Bumili siya ng candy, little ponkans, chocnut na bilog at kaunting barya. Alam niyo ba kung para san? Papagulungin namin yun sa buong bahay at ipaghahahagis ang mga barya sa buong bahay. Tapos mag-uunahan kame makakuha. Hahaha! Masaya. Promise.
  • Natapos ang UNLI ko ng saktong 11 o'clock pm! At pagmula no'n di na ako makapag-unli ulit sa globe hanggang ngayon! Hindi ko tuloy matext ang aking mga mahal na kaklase. TT____TT
  • Nakapulot kami ng maraming-maraming barya sa tapat ng isang tindahan. Naka-50 pesos kami na tig-pipiso. O ha galing!
  • Ngayon lang ako nakakita ng violet na fireworks.
  • Ang Boombox Project: kalokohan namin ng nakababata kong kapatid. Isang maliit na box ng ham na ginawang bahay at pinuno ng paputok, nilagyan ng timer at pagkatapos ay sumabog, nasunog at naging abo. Ampf.
  • Nang sumindi at pumutok ang fountain, natamaan ako ng maliliit na apoy at hanggang ngayon sumasakit pa rin yung mga maliliit na sugat.
  • Siyetmen. Umitim ang loob ng ilong ko pagkatapos.
Tanong ko lang ha? Parang walang sense ang pagpapaputok ng malalakas na "paputok" tulad ng piccolo, plapla, superlolo, supercow (supercow nga ba yun?), five star at iba pa. Geeez. Hika at pagkabingi lang an mapapala dyan eh. Mas mabuti pa yung sintunadong lasing na kumakanta kasi hindi nagbubuga ng usok. At isa pa, ang ozone layer natin! Ozone layer! Ingatan! Kasabayan ng pagsasaya sa mga paputok na yan eh ang pagsira sa ating kalikasan! Aaminin ko, luses at fountain lang talaga ang mga nasindihan kong paputok (not to mention piccolo, he he he...)

Pero higit sa lahat ng iyan! Ang totoong diwa ng bagong taon ay PAGBABAGO. Magbako ka na jud (dude)! Ako nagbago na talaga, at gagawin ko ang aking new year's resolution. Promise, ipamukha niyo sa akin ang resolution ko kapag hindi. Mga mahal kong kaklase, blogger na seniors atbp., sa taong 2007, dalawang malalaking kaganapan ang mangyayari sa ating buhay, ang paglisan sa HIGH SCHOOL, at ang pagiging COLLEGE student. Panahon na upang lasapin ang pinaka-huling mga sandali ng ating pagsasama, kasi maghihiwalay na tayo. Pero wag sana natin kalimutan na palagi kayong nandirito sa puso ko. Winiwish ko na sana'y isang magandang taon ang sasalubong sa atin sa pagdaan ng mga araw. Maraming salamat sa kabutihan ninyo! Ehe. Parang valedictory address lang ah. (Jokejokejoke!)

New Year Wish:
I WANTED TO BE HOSTED!

Labels: ,

Sunday, December 31, 2006

My Last Entry for 2006

Okey okey wag mag-unahan sa pagbabasa makakakuha rin kayo ng puwesto. Okey okey? Baka kung kailang magtatapos ang panahon eh putul-putol ang mga kalamnan natin. Sheeesh. Nakakakita na ako ng magagandang fireworkz ngayun. Pero hanggang tingin lang ako, para maman pwede akong lumipad kasama ang mga fireworkz na yun no. He he he... Hmmmf. Bumalik rin si Paurong! Sa pagkakatagal ng kanyang hibernation ng walang pagpaparamdam at pag-uupdates eh bumailk rin siya Yehey! Natutuwa naman ako. Kamusta ka na partner? Walang samaan ng loob ha?!

Nakikita niyu naman pu siguro na last post ko na ito ngayong taon kaya., eto puro LAST ang mga na-tag ko galing kay Gerald, kinopy ko lang yan ha. Nominated din po siya. Eto ang mga links niya. [Link1] [Link2]. Okay, here goes.

Last picture you’ve taken: The christmas tree in our house. 1 feet tall lang po yun.
Last private vehicle you’ve ridden: Our family car. [don't ask what model]
Last public vehicle you’ve taken: Sheeesh. nakakahiya. pedicab. xD
Last chat mate: Joan Marie Tayco
Last thing you’ve bought: 5 pesos worth of fishball, jan lang sa labas
Last thing you’ve received: a CAP. Always a cap?!
Last TV show you’ve watched: TV Patrol World
Last song you’ve heard: Auld Lang Syne >> yahoomusic
Last website you’ve opened: Blogger
Last thing you’ve done concerning earth: Maghukay ng libingan ng fish
Last thing you’ve done concerning air: Huminga
Last thing you’ve done concerning fire: nagsindi ng Piccolo
Last thing you’ve done concerning water: uminom
Last set of clothes you’ve worn: white shirt and shorts
Last word you’ve said: oi andaming fireworks oh ganda
Last joke you’ve cracked: hahaha nagjojoke na ako ngayon
Last Montessorian you’ve met: Karl.
Last food you’ve taken: hmmm fishball
Last question you’ve answered: nandyan siiya no? <Sorrow-
Last command/ instruction you’ve followed: kumain

Labels: ,

Saturday, December 30, 2006

Niyakap ko ang toilet bowl

Updates lang: Alam ko namang ang ilan dito ay wala kayong paki.
Gusto ko lang may maisulat. Ahihi. Salamat sa pagbasa ha! Thanks!
  1. Nominated ako sa Filipino Blog of the Week! Boto niyo nman aku.
  2. Excited na ako sa New Year kahit wala kaming paputoks.
  3. Nakabili na kami ng maraming bilog na bilog na fruits.
  4. Hindi ko pa tapos ang assignment ng auxiliary.
  5. Level 36 Mage na ako sa Flyff-Bubble.
  6. Nakapagload na ako ng P 25.
  7. Tapos na ako maligo.
  8. Jonell musta?
  9. Superlol.
Sabi ko sayo wala kang mapapala sa pagbabasa nung nasa taas. Ang sarap talaga ng pakiramdam ko simula magbakasyon. Hahaaa. Hindi na mabigat ang aking pakiramdam at tila nasa heaven na ako. Excited na ako pumasok kasi makikita ko na uli ang mga mahal kong kaklase. Ngayong umaga, dahil sa hindi alam na kadahilanan ay tumulong ako sa gawaing bahay. (ops... opsss... no violent reactions, gawain ko talaga yun dati) Dati talaga ay hindi nakapagtataka na ako ay masipag sa bahay nung mga 8-12 years old ako. Pero simula nung 13 years old naging LAZY/TAMAD ang inyong lingkod. Kaya ngayon, ibabalik ko na ang kasipagang iyon. New Year na, 2007 na, magbabagong buhay na talaga ako.

General Cleaning: Una, ako ang nagluto ng aming almusal, 4 na fried itlog at ginisang karne lang naman ang aking niluto, para solb na sa aming apat na magkakasama sa bahay. Sunod, nagkuskos ako ng garahe namen, sinabon at nilinis. Next, nilinis ko ang aming toilet. Hmmm. Halos YAKAPIN ko na ang bowl dahil sa kailangan kong tanggalin ang mga tutong na nakadikit dito, hahaaa. Hayun, nagpahinga ako ng kaunti at naramdaman ko na naman ang gaan ng pkiramdam kapag malinis ang iyong paligid. Kaya hayun ulit, maaga kaming nakatapos sa paglilinis. Makakapaglaro na ulit ako sa hapon.

Hmmmm. New Year na, 28 hours na lang. MALIGAYANG KAARAWAN YEAR!
May bago na namang naimbentong expression ang inyong lingkod.
SUPERLOL! -- Super Laugh Out Loud

Labels:

Thursday, December 28, 2006

Now Showing: URSULICA

Click the image to enlarge.

Atttention lalo na sa mga classmates ko sa Casa Real! Now Showing na ang latest productiong Siargao-Japan Films, ang URSULICA: Dagat ng basura. Ito ay patungkol sa mundo mga pugita at pusit na naglalakbay sa gitna ng dagat na tinatawag na Dagat ng Ursul. Silang tatlo ay sina Uro, Ura at Uri. Ang nanay nila ay si Ursula na naging kalaban sapagkat nakakain ng itim na itlog ng pugita. Ang tatay nila na si Urus ay isa ring kalaban at ito ang nagpapainit sa mga itlog ni Ursula. Samantalang si Ursulita ay ang natatanging anak na babae ni Ursula na nalilito kung kanino kakampi, sa kanyang mga kapatid o sa kanyang mga magulang. Sa kabilang dako, si Tinik, na hindi ipinakita sa larawan ay ang sidekick ni Urus. Tunghayan natin ang pakikipagsapalaran ng tatlong magkakapatid laban sa kampon ng kadilimang si Ursula. Bwahahaha!

Starring:
  1. Joey Gudes - bilang Ursula, ang nanay ng mga bida, isang kalaban.
  2. Kenneth Go-Aco - bilang Urus, ang tatay ng mga bida, isang kalaban.
  3. Venus Gabriel - bilang si Ursulita, ang bunsong anak ni Ursula, neutral.
  4. Karl Caber - bilang Tinik, ang sidekick ni Urus, nakatira sa buhangin.
  5. Daniele Montano - bilang Uro, bida
  6. Andrew Laureta - bilang Ura, bida
  7. ang inyong lingkod - bilang Uri, bida
Ito ay idinerehe ng inyong lingkod, Japboy. Sa pangangasiwa ng Siargao-Japan Films. Makakabili kayo ng ticket sa Casa Real Montessori Inc, Parkplace Village, Anabu II, Imus, Cavite. 300 pesos an panlimang tao. Maraming Salamat. Showing na po ito Simula Dec. 28-March 31.

Labels:

Tuesday, December 26, 2006

Happy 1st birthday Braces!

Good Morning mga mambabasa (mam-ba-baa-sa)! Umaga ngayon kaya lang hindi ako makamulat kasi puno yata ng muta yung aking mata at hindi ako makanganga ngayon kasi... May suot akong goma sa bibig (o, akala niyo ha?) nakasuot kasi ako ng braces at 1st birthday niya ngayon kasi isang taon na siya! Akalain niyong naksaurvive ako nang daladala siya palagi, kaya ako namayat eh. Kaya lang sa pagkakaalam ko hindi pa tapos yung bayad nito sa dentista, may balanse pa kami. Hmmm. Wala kasing choice yung mama ko, ganito kasi yung itsura ng ngipin ko dati.

Okay by the way, Pasintabi sa mga kumakaen.
Kung ikaw ay sasali sa fear factor at kailangan mong pumili ng isang challenge, ano pipiliin mo?
  1. Iinom ng isang tasang plema
  2. Uulamin ang isang platitong laman ng pigsa at nana
  3. Gagawing kape, titimplahin ang isang kutsarang libag galing sa singit
  4. Papapakin ang binilog na kulangot sinlaki ng mansanas
  5. Gagawing parang mani ang 1/4 kilo na pinagsama-samang ipot ng tao
O ano? Kaya mo? O baka gusto mo ng picture?

Labels:

Sunday, December 24, 2006

a christmas post




Have yourself a merry little Christmas, Let your heart be light
From now on, our troubles will be out of sight

Meron na lang 10 hours, 54 minutes bago sumapit ang kapanganakan ng ating MANUNUBOS. Ipapanganak na si Jesus at tayo'y makakakita na ng star sa langit na kumikintab. Nararamdaman ko na rin ang lamig ng simoy ng hangin dito sa internet cafe, naka-high kasi yung aircon, Paksyit. Tumutulo na tuloy yung colorless na sipon ko. Wala pa naman akong dalang panyo.Hehehe.

Christmas Wishes
  1. Makapasa sa AIG scholarship
  2. Bumait ang kuya ko
  3. Maging brusko ako
  4. Gumanda ang kutis ng aking sakong.
  5. Magkaron ng magagarang damit
  6. Computer
  7. Dumating ang credit card ni Mama
New Year's Resolution
  1. Magiging masipag ako
  2. Magpapakabait na ako
  3. Dadamihan ang aking kain
  4. Magpapalaki ng katawan
  5. Magpapakatalino XD
  6. Hindi na mang-aaway ng pusa
Hayun. Happy Christmas and Merry New Year!

Labels: ,

Friday, December 22, 2006

peace + hiatus = christmas

i finally ended the war with kenneth. i suddenly lost interest in blogging.
i'll be back. this christmas and new year, i hope somethin would change.

alright, i changed the skin again. Nakakasawa na kasi yung una kong ginawa kaya ayun, mas nagustuhan ko to kasi whitish, favorite color ko pa. comments naman dyan pleease?

Labels: ,

byron's letterbox



recent comments

Byron Jeff; X_X
Isko freshie, taking up landscape architecture in UPD. Prastrated pianist, artist. Math flunker. XD

Links
A: ardeeboi axel B: bea batopik C: carl D: daniel jr E: emina F: ferbert R: roselle T: tim ang W: wanderer

Archives

Podcast