Friday, September 21, 2007

Asymptotes

Asymptotes are lines or curves that could get closer and closer to the axis but they can NEVER coincide.

Putek. Naranasan niyo na ba maging asymptotes? You'll get closer to each other, YET, hindi kayo pwede magsama. Amp. Bakit ba kasi hanggang dito hinahabol ako ng math. Yan tuloy narelate ko sarili ko sa asymptotes.

Labels:

Sunday, September 16, 2007

First impressions.

Last Friday, I was supposed to go home early because I have to finish my Oh-so-many-plates that our Oh-so-inconsiderate professors gave us. But this Org, (UPCLAS) told us to come to the L.A. General Assembly. Oh well. It was a General Assembly, but it was also an applicants orientation...

Hahaha. Ayun, sobrang dami naming ginawa. Merong activity na maglalagay ka ng papel sa likod tapos hahayaan mo ung ibang tao na sulatan yun. Kaya ayun, ang ganda naman ng first impressions nila. >,< Naflatter ako nang onti. Hehehe.

Labels: ,

Friday, June 15, 2007

Homesick at katamaran

Ang First Day ko sa Boarding House ay hindi biro.

Hindi dahil sa marami agad assignments kundi dahil sa nahohomesick ako. Hindi ako makatulog nang maayos kasi hindi pa rin komportable yung kama, kahit malambot naman. (Sanay kasi ako matulog sa sahig pag nasa bahay). Kaya ayun, pinili kong umuwi tuwing tuesday at friday night kahit 7:30pm ang labas ko sa class tutal, wala naman akong mga class the day after.

Nothing special ang post na 'to. Kauuwi ko lang kasi galing school. Sabay kami ni Kenet na umuwe ng Cavite kasi nahohomesick din daw siya. Plano ko na ring mag-uwian next sem, Sa tingin niyo, kakayanin ko kaya? Btw, L Archi ang course ko. (One of the best known courses for puyatan)

Regarding sa mga professors/lecturers/mentors, apat lamang ang nagpakita samin, anu ba yan. Yung iba ata tinatamad pang magturo, baka kasi first week pa naman. At ang nasa toplist ko ng pinakamasipag na prof ay si LOLA! Hehehe hindi ko alam yung pangalan niya kahit 3 timesko na siyang nakikita. Nga pala, si LOLA ay teacher ko sa Math 17. Maayos naman siya magturo. Hehehe mahirap na magsalita.

Ang paborito ko naman ay si Ms. Maria Erica Jan Valerio, sa Comm3 ko siya prof at madaldal siya wahahaa. May mga challenge pa daw na ipapagawa sa amin. Saka manonood pa kami ng mga plays at marami pang ibang gagawin. Yun lang.

Pasensya na, Freshie lang. ~toniwoni

Labels: ,

Sunday, June 3, 2007

Bad heyr day

Sabihin na nating konsyus ako sa aking buhok palagi, kaya naman gumawa ako ng post tungkol sa mahal kong buhok. Kanina kasi, pagkagaling namin sa pagsisimba ay dumiretso kami sa Barber Shop. Sa katunayan hindi naman talaga ako ang pagugupitan, kasi nag-aalangan pa ako, eh sa tagal tagal ko ba naman pinahaba to ehhh (FYI: buong summer ko ito pinalago). Eh ayun, nasulsolan kasi ni mama, kaya napilitan ring magpagupit.

Ewan ko ba. Hindi na ako nakuntento sa resulta ng mga gupit ninuman. Mapa barbero pa, bading, o baklang mukhang ahmmmmm... Kahit san rin, mapa sa DAVID's pa yan o sa Ricky Reyes na tig 300php o sa tig 60php na berbershop jan sa kanto. Aaminin ko, nahihiya ako sabihin kung anong gusto kong gupit at pinasasabi ko pa sa kasama ko kung anu bang style ang gusto ko. EH KASI NAMAN! Nagtataka lang ako, pag ginugupitan ako eh sinasagad palagi pataas ang trim. Kapag naman sasabihin mo eh wala ka nang magagawa kasi nagupit na. PWEDE ba ibalik ulit ang buhok? Ayan tuloy palaging mukhang military cut na, arggh.

Ayan comment tuloy ni Kuya "Ampanget ng buhok mo, kung ako sa'yo magwax ka na lang." Haay. Magpapasukan nanaman...

Bakgrawnd myusik: Duwadi didididamdidi doo (yung sa AngTV)
Estado: Naiintriga sa bagong post ni Heneroso. ahihi.

Labels:

byron's letterbox



recent comments

Byron Jeff; X_X
Isko freshie, taking up landscape architecture in UPD. Prastrated pianist, artist. Math flunker. XD

Links
A: ardeeboi axel B: bea batopik C: carl D: daniel jr E: emina F: ferbert R: roselle T: tim ang W: wanderer

Archives

Podcast