Happy New Year! Okey paulit-ulit na yung greeting. Dito sa bahay namin walang masyadong paputokz kasi nag-iingat kami. Ang mama ko bumili ng isang fountain at mga 10 box ng maliliit na luses. Yun lang (corny no?). Pero mas ok na rin lang yon kesa marami ka ngang paputok eh nawalan ka naman ng daliri. O ha. Idadaan na lang namin sa pagkain at ang walang sawang tradisyon ng aming pamilya. Heto ang ilan sa mga highlights namin kagabi/kanina.
Tanong ko lang ha? Parang walang sense ang pagpapaputok ng malalakas na "paputok" tulad ng piccolo, plapla, superlolo, supercow (supercow nga ba yun?), five star at iba pa. Geeez. Hika at pagkabingi lang an mapapala dyan eh. Mas mabuti pa yung sintunadong lasing na kumakanta kasi hindi nagbubuga ng usok. At isa pa, ang ozone layer natin! Ozone layer! Ingatan! Kasabayan ng pagsasaya sa mga paputok na yan eh ang pagsira sa ating kalikasan! Aaminin ko, luses at fountain lang talaga ang mga nasindihan kong paputok (not to mention piccolo, he he he...)
Pero higit sa lahat ng iyan! Ang totoong diwa ng bagong taon ay PAGBABAGO. Magbako ka na jud (dude)! Ako nagbago na talaga, at gagawin ko ang aking new year's resolution. Promise, ipamukha niyo sa akin ang resolution ko kapag hindi. Mga mahal kong kaklase, blogger na seniors atbp., sa taong 2007, dalawang malalaking kaganapan ang mangyayari sa ating buhay, ang paglisan sa HIGH SCHOOL, at ang pagiging COLLEGE student. Panahon na upang lasapin ang pinaka-huling mga sandali ng ating pagsasama, kasi maghihiwalay na tayo. Pero wag sana natin kalimutan na palagi kayong nandirito sa puso ko. Winiwish ko na sana'y isang magandang taon ang sasalubong sa atin sa pagdaan ng mga araw. Maraming salamat sa kabutihan ninyo! Ehe. Parang valedictory address lang ah. (Jokejokejoke!)Labels: scribbles, year-ender