Wednesday, August 1, 2007

hiatus over - meet my blockmates

Uhm malapit nang mag-isang month ang aking hiatus. Tsktsk. Tinatamad kasi ako talaga magblog eh. Marami rami na ring nangyari sa aking boooohaaaai. Nandyan na yung mga kahihiyan, katamaran, kasiyahan, pagbagsak sa exam!? pagpupuyat, pagkalaro, pagpapawis, paliligo sa ulan, pagsukob sa payong, pagkain nang masarap, panonood ng theatre plays, paggawa ng reflection paper, pagkalimot, pagkawala ng wallet, pagtambay, at kung anu-ano pa.

Anyway, wala nanaman akong mablog kahit may nakuha na akong idea mula sa isang prend. Pero kahit eto na lang. MEET MY BLOCKMATES. (Sorry guys, I just got your PICS in friendsterizing (whatta word!). Hahaha iniistalk ko kayo palagi. lol. Walang aangal! Sikat na kayo hehehe. Note: In order of 'kung sino ang una kong nakilala.'

Justin aka JUGS
hailing from La Salle Greenhills,
student number 2007-51143

Sa maniwala kayo't sa hinde, kahit mukhang kyut na kyut na bata eto eh disisyete na siya (waaa ma matanda pa sakin?!). Certified badminton varsity at Ang party boy ng bayan. Nakatabi ko siya nung FOPC sa UP theatre at akala ko no'ng una eh naligaw na grade 6. *Peace jugs*

Christine aka XTINE
Namamayagpag mula sa St. Paul Pasig, student number 2007-27695
Siya naman ang kauna-unahan kong nakausap nung first day of classes. Sa katunayan, meron siyang kakambal na talagang kamukha niya, at sa UP din nag-aaral. Galing no? Hehehe. Siya rin ang halos palaging nagcocompliment sa mga plates ko, kaya talaga namang napaplatter ako. Hehehe.

Jamille aka JAM
From Grace Christian High School,
student number 2007-07819
Si Jamille ang una kong nilalapitan tuwing hihiram ako ng gamit, kasi kumpleto siya lagi hehehe. Pero hindi lang yun, susyal na tao eto at may taste :) Uhm saka magaling siya sa history, waa akalain mong alam niya ang details ng tungkol kay Napoleon Bonaparte?! Waaaa.

Mavin aka MAVS
Nagmula sa prestihiyosong Ateneo High School, 2007-25240
Mabuting tao, may paninidigan at adik sa math! Napasa na niya ang dalawang long exam pero ako bagsak pa rin ang dalawa. T.T Anyway, iba siya sa mga tipikal na Atenistang nakilala ko. At magaling pa 'to managalog, at MAGJOKE! Hehe. Medyo may pagka-emo minsan dahil sa problema (woops) pero
nadadala naman niya. Haha.

Dheira aka DHEIRA
Itinataas ang bandila ng Calamba Institute,
student number 2007-17642

Para sa akin siya ang dakilang ADIK -- adik sa plates, sunod sa'kin. Hehe madalas kasi siya makauno. Madalas rin siyang unuuwi sa kanyang
boarding haws para matulog at ang isang bagay na maganda sa kanya eh may sarili siyang desisyon, hindi siya nagpapadala sa iba.

***
O yan, sa maniwala kayo't sa hinde eh kami lang talaga ang mga FRESHIES sa aming course, na nagkataong kami pa palagi ang magkakasama (dauuh!!) Hihihi. Kaya sakali kung nakita niyo na ang mga taong ito ay ireport lamang sa 875-6969 at hanapin... *corny na*

Hanggang sa muli!

Labels: , , ,

byron's letterbox



recent comments

Byron Jeff; X_X
Isko freshie, taking up landscape architecture in UPD. Prastrated pianist, artist. Math flunker. XD

Links
A: ardeeboi axel B: bea batopik C: carl D: daniel jr E: emina F: ferbert R: roselle T: tim ang W: wanderer

Archives

Podcast