Thursday, January 25, 2007

is that your final aswer?

Yes. I made my decision.
I shall go for UP. Landscape Architecture. Whaddayathink? Hehehe wala nang makakapagbago ng isip ko. Kaya mga ate, kuya, mga atew, kuyew na mga iskolar, kita kits na lang tayo dun. Kung pwede sana maging kaklase ko kayo sa GE subjects ko wahhaha.

5:21 am
I'll be leaving for our Rover moot (Camping for rovers) later at 7:00 am. Hanggang doon ako ng January 25-28. So, bayebaye muna guys. ^^

Labels: ,

Monday, January 22, 2007

what the hehe heck!

I passed UPCAT.
Harinawa... Nakapasa rin ako sa UP. Apatnapunlimang minuto lang ang nagdaan magpamula nang magtext ang isang alumni namin sa Adviser ko at sinabing nakapasa kami ni Kenneth. Yahoo! 2nd choice ang naipasa ko (Landscape Archi) at Si Kenneth naman ay ComSci. Sana confirmed na yun. Angsaya ko naman, ngayon tuloy nalilito na ako, Lasalle o UP? Hehe.

Speaking of HEHE. Kailan ba nagsimulang mauso ang HEHE na yan? Siguro sa text? At ngayon pwede mo nang mabasa, masulat at marinig. Ah basta kahit saan! At siguro ang rason kung bakit may hehe ay para may masabi lang lalo na kapag wala kang masabi! Na kadalasan ay nangyayari sa text o chat! Diba? Aaminin ko, ganun rin ako kapag walang wenta ang aking kausap. Hehehe. Maraming klase ng "fillers" kumbaga, at HEHE ang pinakasikat.
  • Hehe - sa mga tinatamad
  • Hehehe - para hindi madisappoint ang katext
  • Ahihi - pacute effect
  • Ahehe - dinagdagan lang ng 'A'
  • Haha - sa mga tamad rin, at pede sa pang-aasar
  • Ahahaha - kapag totoong tumatawa ka
  • Hekhek - kadalasan mga babae gumagamit neto?
  • Wakekek - anu ba to...
  • Wakokok - ang weird
Ikaw may alam ka pa ba? O anong kadalsan mong ginagamit. Hehehe...
Updates lang no? Nakakabadtrip di na ako nakapanuod ng last episode ng DNangel sa Hero TV, kasi umalis kami kahapon. Haaay, sana uliten yun. Hehehe... o.O Congrats nga pala kay MrTuesday (na tinext ako nang malaman ang results), Kenneth at sa ibang nakapasa. Icoconfirm ko na rin para sigurado. Hehehe...

[updates] Naconfirm ko na sa upcat.up.edu.ph yung result kahit medyo matagal yung pagload, yes pasado ako. Pero may napansin lang ako, kapag ang inisearch mong name ay hindi nakapasa, ang lumalabas sa URL address ng page ay ganito: "http://upcat.up.edu.ph/cgi-bin/upcat/results.cgi#bagsak." Ouch naman yun dun sa iba.

Labels: , ,

Friday, January 19, 2007

ctrl - shift - delete

Wow... fresh air. Sarap bumalik. 6 days ng pagtulog? Hmmm pwede na. Pwede. At ngayon bumabalik ako sa pagbablog. Napakabusy ng mga susunod na linggo, kaya ayun. Pwede naman siguro ako maglagay ng aking napaka-humble na schedule. I'll post some photos of these activities afterwards. ^^
  • Jan 20 - Deliberation of graduating students
  • Jan 25 to 28 - Rover Moot (Tagaytay City)
  • Jan 29 - Concert ng Tagalog-Translated songs
  • Feb 10 - High School Dance (Island Cove)
  • Feb 13 - Hmmmm...
  • Feb 15 - Ocular visit sa campsite (auxiliaries only)
  • Feb 16 - Camping
May kwento ako. Isang gabi, sa isang liblib na lugar, tumigil ang kotse ng isang lalaki. Wala namang sira ang kotse at marami pa itong gas. Weird. May ermitanyo sa puno ng balete na lumapit sa lalaki. Ibinebenta ng ermitanyo sa lalaki ang isang libro. P1000. Namahalan ang lalaki, pero napilitan siyang bilhin ang libro kasi baka kung anong gawin sa kanya ng ermitanyo. Bilin ng ermitanyo, huwag tingnan ng lalaki ang huling pahina ng libro, kundi magsisisi ito. Tapos, naglaho ang matanda. Umandar ang kotse. Sa bahay, hindi makatulog ang lalaki. Kinuha niya ang libro, tiningnan niya ang huling pahina. Ang nakasulat: "NATIONAL Bookstore P47.75"

To my Blogger friends: Ahihhi. Salamat sa mga dumaan at nakiramay sa pagtulog ko. Hindi niyo po obligasyong magcomment sa tuwing dadaan kayo rito. Ok lang kahit hindi kayo mag-iwan ng bakas. Hanggang sa muli. Eto ako ngayon, nagbabalik.

Labels:

Saturday, January 13, 2007

hibernation

The term permanent hiatus (or hibernation) refers to a television show or video game that work has been stopped on, often titles which find themselves on permanent hiatus are dangerously close to being cancelled. It should be noted however that a hiatus itself does not mean a show is being cancelled, often in US Television a network may put a show on Hiatus to air another show in its timeslot, or for continuty reasons a show will make its initial run shorter. An example of the latter would be season one of the Fox drama Prison Break.

Enough said. Don't know if I'll be back. And if ever enthusiasm with blogging strikes back, don't worry, I won't change my identity. I'll still be Japboy, of sintunado.blogspot.com. Byebye! (now that's serious.)

BTW. The tagboard's just beyond there. Click the "anu kaya 2?" crap. Then tugsh. You'll see it. Check it out. -___-

Labels:

Thursday, January 11, 2007

who's absent?

Good Morning guys.
Just giving you some littletinkywinky updates. My hiatus will continue until I felt like it. Becaaaauuussseeee... The truth is, NCAE is not the reason why I am on hiatus. Instead, I had a fever, a revolving tummy and a sore throat, in short - I am sick. Siguro kasi malapit na tanggalin yung braces ko. Hahaha andrama. At isa pa, medyo busy nga sa schoolworks.

Today ay absent ako. I need some rest. Saka, I updated my links - well hindi pala inupdate, kundi renovated. Sorry kung napaka-rude at medyo mukhang intimidating ng aking links. Well yun lang. And I'm planning to have a photoblog here at blogspot cause I think I can express my feelings more in photos.

Hindi ako magaling magsulat. Hindi ako magaling sa poems, stories, essay etc.

Tuesday, January 9, 2007

on hiatus.

HATE is not in my vocabulary.
NCAE (National Career Assessment Exam)
Have to read notes. Bye!

Monday, January 8, 2007

kwento lang muna...

Malamig ngayong araw. Alam niyo ba yun?
Ahaaay at may nagtext naman ngayon ng chain message (3 seconds ago) nakakainis ha. At nagbago na naman kami ng seating arrangement ngayong araw. Sa dulo malapit sa pinto (mahangin dun!) dapat ako eh etong si sorrow nangulit sa adviser namin na dun na lang siya. Ayun napagbigyan, at ako napunta sa gitna (hehehe malapit naman sa electricfan =p). Maraming absent na teachers ngayon (2 sila!) YEHEY!

Dahil sa si kuya adrian ay nainspire ako na bumalik muli sa pagdodrowing, magdodrowing ulit ako, magwawarm-up na naman ang kamay ko hehehe... Naalala ko ang DN angel dahil sa narinig ko na naman ang theme song neto, ang True Light weeee. Okay, kakakain ku lang at eto ang menu namin ngayong hapunan.
  • Sinigang na tulingan
  • Chopseuy (mmm... sarap xD)
At may tagboard na pala, kailangan niyo lang PINDOTIN yung kailangang pindotin para lumabas yung tagboard. Ok? Sorry ha may nalalaman pa akong ganon. Happy tagging! Weeeeee nakakatamad magupdate, saka nga pala, mga ate kuya, salamat sa mga comment! Salamat CJ, tinext mo ako hahaha. Unli ako maya!

*At minsan nawawalan ako ng gana magblog hop kasi aaminin ko wala talaga akong gana, at alam ko naman yung ibang bloggers ay natatamad rin pumunta rito kasi natatamad lang talaga sila. Ganon naman talaga ang BLOGOSPHERE diba? Nabulag tayo sa link-ex na nilalagay naman ang links pero hindi pinupuntahan. Patawad talaga bloggers pero ito talaga ang aking naiisip. Random thoughts kumbaga.

At medyo maglalagay na ako ng interval sa pagbablog. Masyado yatang araw araw ako naguupdate, saka senseless yung ibang entries. kaya paalam muna... Semi-hiatus mode.

Labels:

Sunday, January 7, 2007

the spirit of GM (group message)

Ilang porsyento ba ng kabataan ang merong celpon? Probably mga 90-95% siguro? At anong talamak na gawain sa celpon? TEXT TEXT TEXT! Yun lang, kasi yung ibang mayayaman o mga naka-SUN na simcard eh puro CALL CALL CALL! Hindi mapipigilan. Napakaadvanced na nga talaga ng ating technology. Parang kailan lang eh 3310 ang una kong celpon nung grade 6, o ha lofet no grade 6 may celpon na (pero yung iba grade 2 pa lang meron na o_0).

Hindi pa uso ang GM nun. Saka mga importante lang ang tinetext. Example, "Wer R u?" "Are u k?" "Mzta ka?" "K". Yang mga yan ang kadalasan kong natatanggap at uso na rin pala nun ang quotes at graphic messages na kadalasan eh ginagawang bastos pa yung iba. Picture message rin, diba? Sinong nakakaalam ng picture message na may nakalagay na "2 taong nagses*x" tapos ang caption eh "NOKIA: Connnecting People"? Tsk. Natatawa lang tuloy ako.

Pero ano na nga bang uso ngayon, nang magsimula ang unlimited text? Ang tinatawag na group message o mas kilala bilang GM. Siguro naman alam na natin lahat yun pero no offense lang ha. Hindi ko nirereplyan ang GM (kahit ako minsan nagsesend ng ganun hahaha) kasi parang hindi para sayo yung message na yun. Kahit ang laman pa ng GM ay "Elow muzta?" Ayaw ko talaga. Yun ang pananaw ko at sa tingin ko, ang mga nagsesend ng GM na tulad ko ay para lang may makatext. Diba? (09278634770 number ko wow...)

ADEEEK ako kay Kisses ngayon!!!
Due to public demand, kailangan ko na raw magchatbox (korni ha may paganyanganyan pa) Abangan niyo na lang yung chatbox. Pero nagdadalawang-isip pa ako. Umandar na naman ang pagka-oldie ko. Heto ang aking playlist ngayon:
  1. Last Christmas - Wham (yung original version)
  2. For the First Time - Kenny Loggins
  3. You Can't Hurry Love - Dixie Chicks
  4. Closer You and I - Gino Padilla
  5. Raindrops Keep falling on My Head - BJ Thomas
  6. Something Stupid - Ewan Mcgregor/Nicole Kidman
  7. All I ask Of you - Phantom of the Opera
  8. What the World Needs Now - Dionne Warwick

Labels: ,

Saturday, January 6, 2007

enough with the drama

duwadee didididam didi doo, duwadee didididam didi doo
ashiwash shi was woking down the street, saying
duwadee didididam didi doo, duwadee didididam didi doo

Hi! Eto na naman ako. After 16 hours ng pagninilay-nilay, nakarecover na sa pagkakabagsak. Nga pala, pwede ko ba namang kalimutang pasalamatan ang mga bloggers na dumamay at nagpayo sa akin sa panahon na naguguluhan ako? SALAMAT SA INYONG LAHAT! Pinagtagpi-tagpi ko ang inyong mga payo at nakabuo ng mga bagay na lubos na nakatulong sa akin.
  • hindi lahat ng bagay na gusto natin natutupad
  • lahat ng bagay na nangyayari sa atin ay may kahulugan base sa will ni God
  • hindi Ateneo ang huli ng lahat, may UP at Lasalle, o UST pa naman
  • it's not the school that will make me the person i want to be
  • hindi ako bagay maging atenista, kasi iskolar ako! wohoo!
  • be contented. kasi pag hindi, eventually it will lead to confusion.
  • accept. basta. learn to accept.
Yun! Ayos na ulit ang lahat! Siguro naman makakatulog na ulit ako nang mahimbing ngayon at hindi na bubulabugin ng malakas na alarm ng 4:00 para tumingin ng results sa internet. Hahaha. Well, inuulit kong muli, sa mga nakapasa sa ACET, sa mga mag-eexam pa lang (eow Mae!) Goodluck sa inyo! Don't worry and trust in Him. LUX IN DOMINO!

Labels: ,

dream school now just a dream

It's 3:55 am. My mom was behind the chair I was sitting on. I turned on the laptop and googled the ACET results. Waiting for the page to load, I was redirected to the query page, I typed in the entries. Surname, First, then Middle. Then I clicked the Search button. ... The splitsecond was filled with silence. God...

Search Result:
Sorry but the name you entered is not in the list.

I know in my heart that I am not happy. This is my dream school! I made some changes in myself this year just to please God that I deserve this dream. Maybe It wasn't enough, or it's not the way. My mom said "Baka mali yung pagkakatype, alam mo naman ang apelyido natin magulo..." I tried, Datinginoo, Datingguino, Datingguinoo... She even said that I must try to type my First name in this way. "ByronJeff"--without spaces. No. It's hopeless, I thought. We watched the screen for 3-5 minutes scrolling the whole webpage -- but not reading. Instead, thinking.

Only 3 of us in our school took the ACET, and I was the one with the greatest chance of passing among us said our guidance counselor. Jeeez, I can't face them anymore. When I got the results of DLSUCET, I confess, that I didn't care that much, cause I know that Ateneo results are not out yet. But now, as time passes by after I saw that Search result, I gradually accept that the truth is -- I am not accepted.

I know, this has been written in God's book. I'll just think that God has plans for me. Well, better plans. THIS IS NOT THE END i suppose. I still have UP. *smiles* (even if I know that UP is harder than Ateneo) Natutuwa rin naman ako kasi todo support ang mom and dad ko, and hindi sila nagalit sakin nor na-disappoint, siguro they knew the reason. There will be a mail sent to the school/our house right? How I wish that mail can bring miracles. As I open it, there are lotsalots of glitters and confetti that will pop out and a Hawaiian girl will come out and say "You passed Ateneo! Congrats!" AAAH! Japboy nangarap ka na naman!

***

Napa-english tuloy ako. Ang drama ko talaga. Pero talagang umasa ako eh. Sa lahat ng results ito ang pinakahihintay ko. Nakakahiya sa kaklase ko, nakakahiya sa mom and dad ko. Nahihiya ako. Hanggang ngayon nagwewelga pa rin ang utak at puso ko. Bakit ganon? Pero ganon talaga. Yung iba sa inyo maaaring isiping ako'y masyadong mayabang kasi Ateneo yan eh, pero ok lang. May pa-announce announce pa ako sa last entry na ngayon na ang results, sus! Hindi ko na ngayon alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa akin mga kaibigan, kaklase, teacher, sa mga taong naniniwala na ako ay papasa -- kasi nabigo ko sila, silang lahat, pati ikaw, mambabasa.

***

Okay, FINAL NA TO. My mom called Ateneo Admissions Office (02-426-6001) just a while ago. The result? I am not accepted. Yes, I was not included in the passers board. Reconsideration? they said the status was slim and there are waiting applicants, so, there. Tutuldukan ko na ito. Goodluck to you guys who passed ACET! Mabuhay ang Blue Eagles!

Labels: ,

Friday, January 5, 2007

Strength and Weaknesses



TOMORROW NA ANG RESULTS NG ACET!!! SURE NA TO! DEAL NA! DEAL!
excited and nervous... wag masyado isipin para bumilis oras!

Eooww mga pipol... (naging teletubbies na ako xD) Good morning pala, 6:01 am ang totoong oras ngayon pero eto ako nagpopost ng blog. Nakakatamad na kasi mag-update mamayang hapon pero itatry ko... See the images above? Yan yung ginawa namin sa english subject kahapon, our first day class of year 2007. Kukuha kami ng specialty paper then, ilalagay yung name, section and date. Sa baba, ilalagay ang 2 columns and name it Strengths-- and Weaknesses (well weakness lang ata nakalagay sakin). Tapos we have to form a circle with our chairs and pass the paper to the right. My classmates have to write on both columns. So, eto pagkabalik ng paper sakin... Whoa! Ang saya naman nun.

I'm surprised with some results. Hahaa pero all-in-all I appreciate them. In weakness, the common thing you'll see there is corny, not funny and wierd! (yeah I am corny and wierd inaamin ko yun hahaha!) Kaya laking pasasalamat ko na hindi nila nilagay na may mga kaibigan akong bulate at centipede sa skul. With Strengths, salamat rin naman at naaappreciate nila ang pagtulong ko, kapit kamay kasi ngayong 4th year dapat makagraduate lahat.

Pansin ko lumalakas na ang hangin ko.
Sorry po mga kaibigan. Lumaki yata ulo ko.

--
7:16 pm. Haaaay. Nakakainip naman, maya-maya magbablog-hop na ako kaya watchyawt mga kaibigan. Hmmmm. Haaaay. Nagresign na nga pala ang mom ko sa trabaho ngayon, kaya sa monday hindi na siya papasok. Hehehe yun lang. Paalam.

Labels:

Thursday, January 4, 2007

Ano ba talaga tinky winky?

KUNG HEI FAT CHOY!
Eat batchoy be tabachoy and say hoy and be baboy
and eat tikoy be named pipoy watch an unggoy with
lots of borloloy ang nagbabasa nito ay abnoy.

Marami talaga akong gustong sabihin ngayon parang sasabog na ang utak ko. Waaa. kaya halo-halo ang post na ito. Excited na rin ako sa Chinese new year kasi namimigay yung tito ko ng mga pulang envelope na may lamang limandaan, sanlibo at minsan barya. Marami rin siyang nipapamigay basta pula, niregaluhan nga niya yung tita ko ng pulang teebak kasi swerte daw ang pulang underwear kapag new year! ~ng chinese ha.

Click image to enlarge. SURVEY! May tanong lang ako ha, bakit kaya may handbag si TinkyWinky? Ano kaya ang tunay niyang kasarian? Bakla ba siya? O ano nga ba? Babae ba siya o lalakwe? Kasi kung nasusubaybayan niyo ang Teletubbies series, si Tinkywinky ay may dalang handbag. Sabihin niyo sa akin nang hindi ako naguguluhan!!! Sasabog na ulit ang utak ko! At bakit siya rin ang may pinakamaliit na boses sa lahat!!?

Nakakaantig naman talaga ng puso ang makakita ng 14 comments sa last entry ko. Salamat sa inyong lahat ha? Siguro kasi nakakatamad ding magcomment kasi walang chatbox pero nagtitiyaga kayong pumindot sa comments section. Napakalaking bagay po no'n. Huwag kayo mag-alala, pipilitin kong ibalik ang pabor na iyon, kaya lang sa ngayon ay busy pa po ako sa pagbubuod ng El Fili (isiningit ko lang ang pagbabblog), kaya sa Sabado, promise! O kaya bukas, magbabloghop ako para makapunta sa inyo.*wink*

Labels: ,

Wednesday, January 3, 2007

opss. may pasok na bukas...

  • Case No. : 09333
  • Examinee Name: Datinguinoo, Byron Jeff Ylagan
  • School : Casa Real Montessori Inc, Cavite
  • Degree : ACM (applied corporate management yan)
  • Status: Accepted (1st Choice)
Magiging conyotic na yata ako. Pasado aku sa Lasalle-Taft weeee! Bigla kasing nag-show-up yung permit ko. God knows. Hahaa. Salamat naman at nakapasa rin ako tulad ni MrTuesday, kasi sa kanya ko rin nalaman na release na pala ang results. Jeeeez. This is a big anniversary gift ng mom and dad ko ngayon. Mabuti talaga ang Diyos.

Aking mga kababayan, salamat sa pagcomment sa aking scholarship essay sa last post ko. Hindi ko akalaing gagawan niyo talaga ng paraan ang pagpapaganda neto tulad na lang ni kuya Christian, Ek-Ek at MrTuesday. Maraming maraming salamat talaga ngayon may confidence na ako na makakapasa ako dyan wahahahah! Excited na ako pumasok bukas! (Ngayon dapat ang pasok namin kaso nanalo kami sa isang activity nong Dec kaya may 1 free day kami ayon sa SCO! Wohoo!). Pero ang importante talaga eh ang makapasa ako sa (drumroll...) ATENEO DE MANILA UNIVERSITY! Tentenenen!!!

Okay, kilala niyo ba si Rex Hermogino? Yung nabalita sa TV kasi nanalo siya sa Yahoo Talent Show? Galing niya super! Puntahan niyo yung site niya at i-download yung compo/song niya entitled "Love On The Internet" [link].

Sikat pala ang princess hours?
He he he... Sa totoo lang nanonood ako non eh, kasi bukas yung tv pag matutulog na ako nanonood mga ate ko. Kaya ayun napapatingin ako. Maganda naman siya ayos lang. May natanggap akong text message galing sa isang freshman. Here goes:

FAMOUS BREAK-UP LINES:
1. "I just realized I don't want to be attached."
Reply: DUH?! Staple remover gusto mo?
2. "I'm confused and I need some time to find myself"
Reply: Eto ang mapa go find yourself!
3. "We are too different from each other."
Reply: Oo. kasi tao ako, hayop ka!
4. "Narealize ko love ko pa pala ex ko."
Reply: Cnong ex? May pumatol pa pala sayo?!
5. "You are too immature for me."
Reply: Oo na, mga gurang nga gusto mo eh.
6. "I need space."
Reply: Ano ka astronaut?!
7. "Kung talagang tayo kahit saang sulok ng mundo magtatagpo tayo"
Reply: Hindi na tayo magtatagpo, nasa space ka na eh.

Japboy at Flyff: Hayun, natsempohan ko rin ang screenshot habang naglalaro ng Flyff. Napaka-gay ng suot niya, tingnan niyo, click nio lang yung thumbnail. It's called Sorain Set. Pero malakas naman ha, rare yan. Onli 22 levels to go, 2nd job na ako at magiging Psykeeper. Hmmm. well, noob pa lang po ako dyan kaya pasensya na, talagang walang panahon kasi di na ako masyadong magiging adik sa computer games sa year na eto.

Labels: , ,

Tuesday, January 2, 2007

warning: deadly post ahead

Isang araw, may isang babae lumapit kay Japboy.
Sabi niya, "Kuya, Kuya! Gusto mo ng payong?"
"Inuulan ka kasi ng kagwapuhan eh."
Wohoo. anluffet.

He. he. He. Pasukan na pala sa thursday. 2 days na lang. Sayang hindi pa kasi sinagad ng school na sa Monday ang pasukan. KJ kasi. Hmmm. By the way mga pipol of the Philippines, FAVOR naman. Kung maaari, paki-check nung grammar sa essay ko na ipinasa para sa aking Scholarship na gagamitin para sa future college ko. English po ito kaya paumanhin kasi sa tagalog lang ata ako magaling. Hehehe. Di po ako nagmamayabang ha. Promise, seryoso ang lahat ng ito. At Beware! Copyright of BYRON aka JAPBOY ang contents ng essay na ito. feel free to comment po. Salamat!

Once when I was thinking about my chosen career in the future, I got confused on whether I would choose to be an architect or to be a business executive. That’s the time when I realized the difference – an architect works sitting on a table where he has to succumb himself to the drawing board while a business executive works sitting up straight on a high chair. It’s a simple description but what I really like to point out is that architects work for someone as a worker while an executive stands as a leader – and I know I am born to be one.

I belong to an average Filipino family with both parents striving hard to provide us what we need and oftentimes, to provide us what we want. I am the second child in a brood of four, all boys ages nineteen, fifteen-that’s me, twelve and the youngest is six. I grew up seeing my father “come and go”. He is a seaman abroad. He always tells us to study hard because education is the only legacy he can give to us. He’s our hero. Without him, I would not be able to attend a good school like I do now. Also, I really wanted to stop him from going abroad because he’s not getting any younger and I noticed lately that he’s taking several maintenance medicines. To add up to that, he had an accident while working where two of his fingers in his hand got severed. That’s how great he loves his family – sacrificing his safety and life for us. I wanted him to retire early with my mother. They are the two most important people that inspire me. When I graduate from a good university and become successful, I would help my parents in supporting my siblings’ education, and eventually tell them to finally retire from their respective jobs, especially m father – he really deserves it.

I study in an exclusive school which offers the Montessori Method of teaching and I am proud to say that it helps me in achieving my dream. The school’s motto “Builder of Tomorrow’s Leaders” fits me well. I had always strived to excel in academics because of my inspirations. Needless to say, I always got the first honor in school and maintained it until now. In our class, whenever we will have a group activity, my classmates always wanted me to become their leader. I know it’s one of my achievements – to gain their trust.

For the past few years, I had been involved in several extra-curricular activities. I joined our official school publication called the Montessorian and had been appointed as the editor-in-chief this school year. It enabled me to hone my writing skills news reporting and working as a group where you’ll have to interact with your staff. Also, I was elected Vice President Internal of our Student Council Organization that helps in improving our school and its students. I joined several speech contests either Filipino or English and fortunately, won a number of them.

As a concerned citizen of my country, I joined the Ineract Club of Las Piñas North where there are seminars and trainings for future leaders like us. Just recently, we held a gift-giving project to the needy in partnership with our student council organization.

With help from God, I hope I would be qualified in this scholarship because this would be a great help for my future. Only three months left before my high school graduation, another phase of my life is going to start. And I, Byron Jeff Datinguinoo, armed with hopes and dreams can conquer all the challenges I am going to face. All I wanted is to sit on a high chair and lead – that is to become a successful businessman, a good and grateful son to my parents, a responsible father to my own family and a useful citizen of my country.

Sana talaga makapasa ako dyan. It will decide my future. SuperLOL. So help me God.
Commercial: YEY Pwede na din ngayon ang magtext ng unlimited sa smart at sun. Galing talaga ng globe. Type nyo lang SUPERUNLIMITXT50 den send to 2870. Enjoy! --maniwala adeek.

Monday, January 1, 2007

Kung hindi naman mangitim ang ilong mo

Happy New Year! Okey paulit-ulit na yung greeting. Dito sa bahay namin walang masyadong paputokz kasi nag-iingat kami. Ang mama ko bumili ng isang fountain at mga 10 box ng maliliit na luses. Yun lang (corny no?). Pero mas ok na rin lang yon kesa marami ka ngang paputok eh nawalan ka naman ng daliri. O ha. Idadaan na lang namin sa pagkain at ang walang sawang tradisyon ng aming pamilya. Heto ang ilan sa mga highlights namin kagabi/kanina.
  • Naghanda ang mama ko ng 1 bilao ng puro BILOG na prutas
  • Bumili siya ng candy, little ponkans, chocnut na bilog at kaunting barya. Alam niyo ba kung para san? Papagulungin namin yun sa buong bahay at ipaghahahagis ang mga barya sa buong bahay. Tapos mag-uunahan kame makakuha. Hahaha! Masaya. Promise.
  • Natapos ang UNLI ko ng saktong 11 o'clock pm! At pagmula no'n di na ako makapag-unli ulit sa globe hanggang ngayon! Hindi ko tuloy matext ang aking mga mahal na kaklase. TT____TT
  • Nakapulot kami ng maraming-maraming barya sa tapat ng isang tindahan. Naka-50 pesos kami na tig-pipiso. O ha galing!
  • Ngayon lang ako nakakita ng violet na fireworks.
  • Ang Boombox Project: kalokohan namin ng nakababata kong kapatid. Isang maliit na box ng ham na ginawang bahay at pinuno ng paputok, nilagyan ng timer at pagkatapos ay sumabog, nasunog at naging abo. Ampf.
  • Nang sumindi at pumutok ang fountain, natamaan ako ng maliliit na apoy at hanggang ngayon sumasakit pa rin yung mga maliliit na sugat.
  • Siyetmen. Umitim ang loob ng ilong ko pagkatapos.
Tanong ko lang ha? Parang walang sense ang pagpapaputok ng malalakas na "paputok" tulad ng piccolo, plapla, superlolo, supercow (supercow nga ba yun?), five star at iba pa. Geeez. Hika at pagkabingi lang an mapapala dyan eh. Mas mabuti pa yung sintunadong lasing na kumakanta kasi hindi nagbubuga ng usok. At isa pa, ang ozone layer natin! Ozone layer! Ingatan! Kasabayan ng pagsasaya sa mga paputok na yan eh ang pagsira sa ating kalikasan! Aaminin ko, luses at fountain lang talaga ang mga nasindihan kong paputok (not to mention piccolo, he he he...)

Pero higit sa lahat ng iyan! Ang totoong diwa ng bagong taon ay PAGBABAGO. Magbako ka na jud (dude)! Ako nagbago na talaga, at gagawin ko ang aking new year's resolution. Promise, ipamukha niyo sa akin ang resolution ko kapag hindi. Mga mahal kong kaklase, blogger na seniors atbp., sa taong 2007, dalawang malalaking kaganapan ang mangyayari sa ating buhay, ang paglisan sa HIGH SCHOOL, at ang pagiging COLLEGE student. Panahon na upang lasapin ang pinaka-huling mga sandali ng ating pagsasama, kasi maghihiwalay na tayo. Pero wag sana natin kalimutan na palagi kayong nandirito sa puso ko. Winiwish ko na sana'y isang magandang taon ang sasalubong sa atin sa pagdaan ng mga araw. Maraming salamat sa kabutihan ninyo! Ehe. Parang valedictory address lang ah. (Jokejokejoke!)

New Year Wish:
I WANTED TO BE HOSTED!

Labels: ,

byron's letterbox



recent comments

Byron Jeff; X_X
Isko freshie, taking up landscape architecture in UPD. Prastrated pianist, artist. Math flunker. XD

Links
A: ardeeboi axel B: bea batopik C: carl D: daniel jr E: emina F: ferbert R: roselle T: tim ang W: wanderer

Archives

Podcast