Wednesday, June 6, 2007

I miss High School

Ngayon ko lang narealize, napakaikli pala ng apat na taon, para sa High School. Marami akong bagay na gustong balikan kasi para ng hindi sapat yung naging buhay ko nun. Saka, dati-rati, bukambibig ko pa na, "GUSTO ko na magcollege! Sawa na ako maghighschool!" pero ngayon, gusto kong maging Highschool Freshman muli.

Namimiss ko ang pagbili ng mga school supplies sa National Bookstore. Dati, nakikipagsiksikan pa kami sa napakainit na bookstore na 'to para lang makahabol sa pagbili ng maraming notebooks. Saka excited pa ako nun sa mga gamit ko, nagaadvanced reading ako sa mga libro kasi gusto ko yung amoy nila, saka yung pagcocover ng mga notebook at paglalagay ng mga pangalan. Isama mo pa yung pagaayos ng gamit bago magpasukan. Hayyy.

Nakakamiss yung daldalan, mga group activities, skit atbp. Yung mga ingay, sutsot, at minsan yung tugtog ng gitara kapag nagsasoundtrip sa classroom. Tapos tuwing may School Program, sabay sabay magpapractice ng sayaw. Kadalasan, andiyan yung pagsasaway na "Ano ba kayo?! Makicoooperate naman kayo please! Kami papagalitan neto eh!" At kapag araw na ng presentation, nandyan na yung mga "Goodluck sa'tin guys! Galingan niyo!"

Nakakamiss yung mga group quizzes, long quiz, periodical test at 5-item quizzes. Dito rin kasi nangyayari yung "Power" na tinatawag o yung iba naman eh "PhD" (ahihihi doktor para madali). Sa buong HS life ko hindi ko nagawang mandoktor, mangopya o anuman. PEKSMAN. Pero may mga kilala akong hustler na d2. hehehe. Nakakamiss ang outdoor activities. Camping, Leadership Training, Rover Moot, Field Trip at Gift-Giving Projects.

Syempre hindi mawawala ang GALA. Kaya naman nasasabihang may nunal sa paa eh. O minsan makati ang paa. (oi hindi naman yun alipunga) Palagi na lang kasi tuwing may magyayaya na "Oi Rob tayo maya, libre ko pamasahe" ayan na, magsasamahan na lahat. Nakakatuwa minsan yung tuwing uwian na sabay-sabay kayong tatawid ng highway, mag-aabang ng jeep, at pagsakay sa eh napuno na yung jeep, wala nang pwedeng sumakay hahaha, parang naging school bus na.

Nakakamiss yung mga computer shop hopping ng mga kaklase ko, na minsang alas-diyes na ako nakauwi sa amin kasi hindi na namin napansin yung oras. At nandyan rin yung utangan ng pamasahe, at maya-maya, pag malapit na sa bahay nila, Papara, at bababa. "Sige 'tol ingat, kita kits bukas!"

Hay. High School nga. Hinding hindi mapapalitan ng Freedom ng college ang Enjoyment ng High School. ~link.

Labels:

byron's letterbox



recent comments

Byron Jeff; X_X
Isko freshie, taking up landscape architecture in UPD. Prastrated pianist, artist. Math flunker. XD

Links
A: ardeeboi axel B: bea batopik C: carl D: daniel jr E: emina F: ferbert R: roselle T: tim ang W: wanderer

Archives

Podcast