Tuesday, June 12, 2007

First day of college

"Matatapang. matatalino. di susuko kahit kanino, hinding hindi magpapahuli, ganyan kaming mga taga UP!"

These words echoed in my mind and I tried to be cool and calm. Nyeknyek napapaengglish tuloy ako. Ganito ba ang epekto ng pagpasok sa (insert drumroll here) "Premier State University of the Country"? Marami akong makukuwento, madadaldal, at mailalabas tungkol sa unang araw ko sa UP!

Orientation: Sa UP Theatre, bago kami papasukin eh para kaming mga bata na palaboy-laboy sa labas ng building tapos pinapila kame, binigyan kame ng "Freshman Kit" saka "Freebies" w/c includes (1. C2 green tea peach flavor; 2. Magic Flakes etc.) Oh well hindi ko naman nakita yung iba kasi hindi ko nakain, at naiwan ko pa sa kinauupan ko pagkatapos. Tapos, ayan na, yung Orchestra ng UP tumugtog na na naghuhudyat sa pagpasok ng mga dekano ng bawat kolehiyo. Too bad wala yung dean namin. Ayun, nagsimula na, wala na nga lang akong matandaan kasi sobrang dami nagperform, kasama na yung UP choir, Up pepsquad, UP repertorie(tama ba ispeling?) saka yung mga tribotribo na tugtog.

U-Na-I-Ba-E-Ra-Sa-I-Da-A-Da
Na-Ga Pa-I-La-I-Pa-I-Na-A-Sa

Eto na, pagkalabas namin sa Theatre eh pinagsamasama na yung bawat colleges at sila na bahala magorient samin sa college namin, at ayun nga, 7 lang kami sa block(slash)course namin. Good thing naman kasi nakilala ko agad sila at naging "prends" agad kami, yung una kong nakilala si Christine, na nagoffer ng kanyang payong (mainit kasi sa labas) tapos ako na yung naginitiate na magbuhat nung payong on the way sa Building namin. Hayyy. Tapos nakilala ko pa yung iba, sa katunayan nga eh pangalan lang natandaan ko saka ibang details. Wakoko. Basta ang alam ko, may dalawa akong kaklase na galing sa Lasalle Greenhils saka Ateneo High School (Wow ganun ba yun, dinudumog na kami ng mga elite students from elite schools kasi 1000php per unit na ang UP? )

Lagi daw tandaan, na ang TBA na room sa subject schedule ay "to be announced" at hindi "Tallest Building Around" nyek...

Post-Orientation: Kumaen kame, at dahil wala naman daw klase sa Arch subjects namin (at dahil ang block namin ang naiiba sa lahat), nagliwaliw na lang kami at naghanap ng mga rooms para mafamiliarize namin, nagactivate ng webmail account, nagpaverify ng ID para sa library at sumakay sa UP IKOT para pumunta sa OUR at SC(Shopping Centre) para bumili ng ID holder, at ayun, babaye muna, sa Thursday na uli. Hahahayy.

Tapos napagpasiyahan kong umuwi muna sa "BAHAY" at hindi sa boarding house kasi wala naman akong pasok every wednesdays. There's no place like home, ika nga.

Labels: , ,

byron's letterbox



recent comments

Byron Jeff; X_X
Isko freshie, taking up landscape architecture in UPD. Prastrated pianist, artist. Math flunker. XD

Links
A: ardeeboi axel B: bea batopik C: carl D: daniel jr E: emina F: ferbert R: roselle T: tim ang W: wanderer

Archives

Podcast