Thursday, May 31, 2007

Adik sa Flyff goes International!

* * *
Simulan ko muna sa isang maikling "intro." Ang flyff ay ang kauna-unahang Role playing online game na pwede ka lumipad. (Kaya nga fly for fun ang tawag.) Narelease ito noong 2005 dito sa Philippines pati sa ibang bansa. Sa katunayan, maraming client ang larong ito sa iba't ibang bansa katulad ng Korea, Japan, Thailand, Pilipinas at isama na natin ang Eflyff (US, Brazil France etc...) Ang larong ito ay may level cap na LEVEL 120 (ito na yung pinakamataas, saka sasambahin ka na pag nakaabot ka d2). Di tulad ng RO, napakahirap magpalevel-up sa Flyff dahil sa sobrang liit ng experience na binibigay. Sa katunayan, kung hindi ka naman masyadong adik sa paglalaro eh sa isang buwan eh level 30 ka pa lang.

At ngayon, habang nagbabasa ako ng forums ng Pflyff ay natagpuan ko ang link na nagsasabing Pinoy nga ang naghari sa Eflyff(international flyff na ang maaari lang maglaro ay yung mga nasa ibang bansa) Napakibit-balikat muna ako pero nang malaman ko ang mga ebidensya eh napa-wow naman ako. Grabe ang kaadikan ng Pinoy ma yun na may IGN na "KillerCortiz". Ayon sa kanya, 9 weeks niya daw pinalevel up yon hanggang lvl 106 (grabe, lvl 75 pa lang ako ngayon eh halos lampas isang taon na ata ako naglalaro) at 6 weeks naman daw upang maabot ang level 120. At hindi pa riyan ngtatapos. May isa pa pala syang character na nasa lvl 105 na. Awwww.

Marahil sa iba ay isang napakahangal na pagsasayang na oras ang gawaing ito, o sa iba naman eh kahanga-hanga, para sa akin, isa pa rin siyang proud pinoy na kahit sa maliit na bagay lang eh naitataas ang bandila ng Pilipinas saan mang sulok ng mundo.

eto yung link ng rankings. ~flyff.gpotato.com

Labels: ,

byron's letterbox



recent comments

Byron Jeff; X_X
Isko freshie, taking up landscape architecture in UPD. Prastrated pianist, artist. Math flunker. XD

Links
A: ardeeboi axel B: bea batopik C: carl D: daniel jr E: emina F: ferbert R: roselle T: tim ang W: wanderer

Archives

Podcast