Saturday, December 16, 2006

tulad ng ipinangako

Inupdate ko na ang blog ngunit anung oras na? waaaah! ala-una y media na! Nakalawit na ang malalaking eyebags sa aking mga mata at kinabukasan sigurado maglilitawan na naman ang mga makukulit na tagyawat na yan, takte. Pagbigyan naman sana ako. Ngayon lang ako sa buong buwang ito makakapag-online marathon kasi idodominate na naman ng aking OPTIMUS PRIME kuya ang kanyang pc, kaya babye na pag dumating siya.

Nagsimbang gabi ako kamakalawa, tulad ng inaasahan ay puno na naman ng tao ang simbahan. Nagsisiksikan sa upuan ngunit sa huli'y nagbibigayan. Natuwa naman ako sa choir noong gabing iyon sapagkat mga bata ang kumakanta, naaalala ko naman nung kabataan ako. Sinabi ng aking nanay na ako raw ay boses-**ke (o ari ng babae) O bat ka natawa? Anyway, ang sabi n pari ay ang simbang gabi, karoling, noche buena at misa de gallo ay panlabas na kaanyuan lang ng pasko, dahil ang tunay na diwa ng pasko ay ang malaman natin na MAHAL TAYO NG DIYOS.

Nag-gift giving project kami sa school kaninang umaga, mga 9:00 am, dahil sa SCO officer ako at VP internal pa, kailangan ko pumasok ng maaga, ayun, maganda naman ang naging project namin dahil sa nakapagpasaya kami ng maraming tao. Hay buhay.

Pagkatapos ay dumiretso kami sa SM Dasma dahil icecelebrate namin ang birthday ni Charmaine! Oi wag ka, nilibre kami nian lahat 15 sa Max's! Palibhasa kasi naka-credit card wushu... Maganda rin ang mga ginawa namin dahil sa pagpapapicture at pagbili ko ng cap. Pero ang pinaka-highlight nito ay ang panunuod namin ng SINE na pinamagatang THE RETURN. Napakaganda ng banner niya sa labas at aakalain mong kasingganda ng the Grudge o The Ring ngunit babala lamang sa mga nagbabalak manood non. HUWAG! matutulala kayo sa sobrang boring.

At ayun lang para sa araw na ito. Maraming salamat at Magandang madaling araw. Bow.
byron's letterbox



recent comments

Byron Jeff; X_X
Isko freshie, taking up landscape architecture in UPD. Prastrated pianist, artist. Math flunker. XD

Links
A: ardeeboi axel B: bea batopik C: carl D: daniel jr E: emina F: ferbert R: roselle T: tim ang W: wanderer

Archives

Podcast